Saturday, June 11, 2011

Dance With My Father

Father's Day na naman twing dumadating ang araw na ito naalala ko ang Papa ko at madalas ko ring marinig ang kantang Dance with My Father ni Luther Vandros...

Madalas kong makita si papa na isinasayaw ang mga kapatid ko nung mga bata pa kami di ko rin maalala kung paano nya ako isayaw para matulog..ngayon iba na malaki na ako di na pag sayaw ang ginagawa namin ng aking ama madalas na kaming jamming sa inuman pagkatapos ng trabaho, kwentuhan maglalaro ng baraha at kung anu-ano pa..

Ilang taon pa ang lumipas, Tatay na rin ako,
di na ako maisasayaw ng tatay ko, di na ako ang batang karga nya noon at isinasayaw upang makatulog ng mahimbing..

Ngayon Ako naman ang babawi ako na rin ang magsasayaw sa aking anak!!!






Happy Fathers Day from BadMj

No comments:

Post a Comment