Tuesday, March 30, 2010

LNHS - Rimos Annex Graduation

Graduate na ang kapatid ko ngayun at Birthday pa ni mudra!!!
Si Menerva at si Erpat namin....First time nya nag attend ng Graduation Ceremony(Si Erpat)
Ang cute na pinsan ko Si Rosenda

Mahiyain si Erpat ko eh!!!hehehe

Pinsan ko Si Florendo Ramirez Jr.


Top 9 si mener kaya may sabit!!hehehe


Sina Zara at Dahlea mga classmate ko nung high school at kabarkada at kainuman na rin.


Cute talaga ni Zara noh??


Pinzan Jay R

__________________________________________
Sorrysa Photo Quality dahil 6600 lang ang gamit ko...

Monday, March 29, 2010

Band Aid

Band aid - ito ung pinantatapal sa sariwang sugat para hindi madumihan, magdugo o ano pa man...sa pag ibig naman cla ung mga taong tinatawag na band aid na tinutulungan kang pahintuin ang puso mo sa pagdurugo dahil sa sakit dulot ng pag kabigo sa pag - ibig.

Para sa iba katangahan ang ginagawa nila at para sa mga kagaya naman nila ginagawa nila ito dahil na rin sa pagmamahal nila sa taong nasugatan ang puso na kahit walang kapalit ay ayos lang.

Sa ibang tao ang magiging tingin nila sa isang tao na tinakpan ang puso ng band aid hanggang sa gumaling ay manggagamit dahil na rin siguro magaling na ang puso nila at babalik na sa tunay nilang mahal na di na alintana ung sakit na mararamdam nung taong ginamit nilang band aid..

Ang mga taong band aid ay kadalasan ito lang ang sinasabi "Balik ka sakin pag sinaktan ka nya uli".
kaya ko naipost ito dahil na rin sa konektado ito sa buhay ko na merong tao na nagmistulang band aid para tumigil sa pagdurugo ang puso ko...at dahil dun ay nag papasalamat ako sa kanya...

Mas gusto ko silang tawaging Band Aid dahil un ang para saki'y ay dapat na tawag sa kanila at hindi "panakip butas, rebound or what...

Sa mga taong makakabsa nito at masaktan man kayo patawad na rin at saludo ako sa inyo....maraming salamat sa mga ginawa ninyo sa mga buhay "naming" nagkaroon ng sugat sa puso.


_________________________________________
Di ko man mapagaling ang sugat sa puso mo
hayaan mo akong maging band aid para takpan ito.

- Kai Miyagusuku of Blood +

Friday, March 12, 2010

Kinakabog na dibdib

Kinakabahan sa eksyatment lapit na kasal ko...hehehe

yap tama ikakasal na si badmj..hay naku grabe ang libog landi ko kasi kaya napaaga pag aasawa ko...hay buhay nga naman panahon na nang pagbabago kung dati tatamad tamad ako ngayon kailangan ko ng maging masipag sa kama buhay para na rin sa magiging pamilya ko.... Magiging tatay na ko!!! hmmm sana boy..mahirap kasi pag babae magmana pa sa kalandian ko...
well dats lyf mapupunta talaga sa pag-aasawa ang mga malanding kagaya ko...wala naman ako pinagsisisihan kasi mahal ko ang honey ko...grabe sa lahat ng Ex ko sya pala makakatuluyan ko...hmmm grow old with me Rein...muawh i love you so much...hmm sayang di na ako makakapaglandi sa mga costumer kong estudyante lalo na sa mga cute^_^peace hon..joke lang po un kaw lang naman nilalande ko eh..hahaha


Ingat nalang palagi sa mga friends ko at sa mga Idol ko...

Wednesday, March 3, 2010

Coversation w/ my self...

hi musta badmj?


Ito hindi ok dark angel...


bakit di ka ok?



kasi ang daming nasa isip pero di ko lubos maisip kung papaano ko isusulat ang mga  gusto kong isulat kasi di ko maisip kung ano ang iuumpisa sa aking iisusulat....



naku!!mj untog mo ulo mo!!


Ha?bakit ko gagawin un?


Para matauhan ka..