Monday, February 14, 2011

Don't Judge the Book by its Cover

Almost 8 months na ako dito sa Baguio City at sa loob ng 8 buwan na pamamalagi ko dito marami akong nakilala, nakita, nalaman at natutunan.

Isa sa mga natutunan ko ay huwag mang husga ng tao sa kanyang panlabas na anyo lamang. kaya ko ito nasabi dahil narin sa mga naranasan ko. Ang una sa napansin ko noon ay noong pauwi ako ng La Union para mag Pool Watcher sa pinsan kong lumaban na Kapitan.

Nang nasa bus na ako umandar na naman ang pagiging mabagmasid ko at kung anu-ano pang pumapasok sa utak ko kung anong mang-yayari sa bus na sinasakyan ko.Weird?

Habang lumilipad ang isip ko kasabay ng pag andar ng bus ay na wala na sa isip ko ang pagmamasid ng mga tao at ang madalas kong ginagawa na pagtanaw sa bintana ng bus, nang biglang huminto ang sasakyan nagbalik uli ako sa sarili ko na parang sinaniban lang ng tangang demonyo, tinignan ko ang pintuan ng bus may matanda palang sasakay puno na ang bus at wala ng uupuan ang matanda na sa hulihan naman ako at wala sa utak ko na mag offer ng sit ko hirap kasi ng tatlong oras na nakatayo, nang may nakita akong lalaki ng mukhang adik na tumayo, sa tingin ko mga edad 19 - 22, mahaba ang buhok, hip-hop ang pananamit at may tattoo pa, sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na humanga sa pagiging maginoo ng pinagkamalan kong walang hiya at adik dahil, sa sinabi nya sa conductor na "kuya, tatayo nalang po ako, si lola nalang po ang paupuin nyo dito."

Nasabi ko nalang sa isip ko na hindi talaga dapat husgahan ang tao sa panlabas na anyo niya.






__________________________________________________
Update lang tagal ko na kasing di naka pag - update

No comments:

Post a Comment