Monday, March 29, 2010

Band Aid

Band aid - ito ung pinantatapal sa sariwang sugat para hindi madumihan, magdugo o ano pa man...sa pag ibig naman cla ung mga taong tinatawag na band aid na tinutulungan kang pahintuin ang puso mo sa pagdurugo dahil sa sakit dulot ng pag kabigo sa pag - ibig.

Para sa iba katangahan ang ginagawa nila at para sa mga kagaya naman nila ginagawa nila ito dahil na rin sa pagmamahal nila sa taong nasugatan ang puso na kahit walang kapalit ay ayos lang.

Sa ibang tao ang magiging tingin nila sa isang tao na tinakpan ang puso ng band aid hanggang sa gumaling ay manggagamit dahil na rin siguro magaling na ang puso nila at babalik na sa tunay nilang mahal na di na alintana ung sakit na mararamdam nung taong ginamit nilang band aid..

Ang mga taong band aid ay kadalasan ito lang ang sinasabi "Balik ka sakin pag sinaktan ka nya uli".
kaya ko naipost ito dahil na rin sa konektado ito sa buhay ko na merong tao na nagmistulang band aid para tumigil sa pagdurugo ang puso ko...at dahil dun ay nag papasalamat ako sa kanya...

Mas gusto ko silang tawaging Band Aid dahil un ang para saki'y ay dapat na tawag sa kanila at hindi "panakip butas, rebound or what...

Sa mga taong makakabsa nito at masaktan man kayo patawad na rin at saludo ako sa inyo....maraming salamat sa mga ginawa ninyo sa mga buhay "naming" nagkaroon ng sugat sa puso.


_________________________________________
Di ko man mapagaling ang sugat sa puso mo
hayaan mo akong maging band aid para takpan ito.

- Kai Miyagusuku of Blood +

4 comments:

  1. hmmm. napatigil ako dun ah. perception nga lang ng iba na rebound ang isang nilalang pag na-serve nya ang related role. pero they serve a purpose in someone's life. band aids, however temporary, are essential also in one's life. -- (my blog) moreducation.weebly.com

    ReplyDelete
  2. @Ramdom Student

    Thanks sa First comment kuya!!
    Cute mo talaga sa music video mo!!!hehehe

    ReplyDelete
  3. ako rin, nagiging band aid din sa taong mahal ko. wala akong magagawa, ayoko kasi siyang makutang malungkot kaya ayun, pilit hinihilom ang puso niya, at tulad nga ng sinabi mo, sinasabi ko din na balik ka lang

    hay buhay

    ReplyDelete
  4. @Renz

    Hmm its true kaya ko naipost ito kasi naging band aid narin ako at nagkaroon na rin ako ng band aid..

    thanks sa comment...

    ReplyDelete